I made this one early on the first weeks of my fourth year life. I happened to realize that time is paving its way too swift. Then, I then said to myself that before I pave the way to the ending I should try recalling the first's of my firsts days. I don't know if we shared the same thought but that I started writing this and posted it here on my blog.
Sa buhay ng tao, dahil sa dami ng ginagawa, iniisip at dinaramdam malimit sa atin ang nakakapansin sa mga unang tagpo. Kung baga sa pelikula, kalimitang inaalala ng mga manonood and mga kapanapanabik na mga eksena hanggang umabot ito sa wakas ng estorya. Sabihin man nating inaabangan eto dahil yun ang mga pinakamahahalagang pangyayari, ngunit kung lubos nating iisipin di iyon makakarating sa wakas at sa mga masisidhing kabanata kung di dahil sa napagtagpi- tagping simula. Sa simula kasi nabubuo ang mga unang palagay tungkol sa estorya. Mga unang tagpo na hindi na mamamalayan ng mga tao. Naisasantabi, naisasawalang bahala. KAYO? naalala n’yo pa ba ang unang pagkakataon na tayo'y nagkita, nag-usap, nagtawanan at nagbiruan?, eh, ang una nating di pagkakaunawaan,unang pag-aasaran? sino nga ba sa'tin ang napikon? Eh, unang awayan, tampuhan at di pagpapansinan? tiniis mo lang ba ako nun?Ano naman kung tatanungin kita kung ano ba talaga ang nauna sa lahat ng nagyaring una? Sasagutin mo ba?
Mahirap ding balikan ang lahat ng mga nauna, kaya nga sa tingin ko napaisip at napa buntong hininga ka na. Pwede naman sigurong gawing simple ang tanong ko. Paano kaya kung ganito, sa lahat ng nauna alin dun ang pinaka namiss, nami-miss at mamimis mo? Nagawa ko nga bang simple ang mga tanong ko para sayo? Parang pareho lang yata, ganun pa rin. Napapaisip ka pa rin, napapakamot sa ulo, natitigilan, nauutal, napapangiti at ang iba dyan, nagsisimula ng maluha? Bakit? May nabuo ka na bang eksena sa likod ng iyong isipan? Meron nga siguro. Kaya mo ba itong pagtagpi tagpiin gamit ang lapis at pahina ng isang papel? Marahil, marami kang maisusulat, umaasa ako. Maaaring yang kasalukuyang naiisip mo ang isa sa mga naunang tagpong bumuo sa isang eksenang kapanapanabik at pati na ang mga taong naaalala mo ang mga tauhang bumuo sa unang kabanata ng kwento. Nasaan ka, sya, sila, kayo, tayo sa likod ng estorya? Baka di mo na magawang sagutin ang tanong ko, pero ayos lang. Hiling ko ay sana naisulat mo lahat ng masasaya, nakakainis, nakakatawa, nakakatakot, nakakakilig, nakakapaghinayang, nakakapangilabot na mga alaala sa papel at hindi sa panaghoy ng hangin. Sa ganoong paraan, ‘pag may nagtanong kung nasaan nga ba ako, sya, sila, tayo, kayo sa kwento mo, ipabasa mo na lang lahat ng naisulat mo. Wala man sya, ako, sila, tayo o kayo sa kapanapanabik at wakas ng kwento pero kahit man lang sana nasa unang kabanata. Ang unang tagpo kung saan nagsimula lahat ng mga alaala.
Hinahanap mo na rin ba ang aking naisulat? Huwag kang mag-alala, iaabot at ipababasa ko sayo lahat ng iyon sa oras na magtanong ka !
No comments:
Post a Comment