Minsan isang araw, may nagtanong sa akin anong meron sa lugar na iyon bakit ko palaging binabalikbalikan. Natigilan ako, wala akong naisagot.Tumingin lang ako sa kanya sabay ngiti. Ang totoo nun marami akong gustong i kwento sa taong nagtanong. Mga kwento na siguro kahit ipaliwanang ko, di nya maiintindihan. Kaya, eto ang naging tugon ko sa kanyang tanong...
" Sana kaya ko. Sana kaya kong iwan ang lugar na ito. Sana nagawa ko ring sagutin ang tanong nang taong dahilan kung bakit binabalikbalikan ko ang lugar na ito. Sana sa ganitong oras ko rin siya natingnan at nangitian. Sana alam nya kung gaano ko ka gustong magkwento sa kanya ng lahat ng mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Sana nagawa kong magpaliwanag para naintindihan nya. Sana nangyari ang dapat mangyari sa lugar na ito. Sana ngayon, di ko na pinapaasa ang sarili ko sa lahat ng mga sana. "
Habang lumalakad papalayo sa akin ang taong nagtanong, lumingon siya sa akin sabay sabing... Parang may pagkakahawig ang mga salitang binitiwan mo sa mga salitang narinig ko galing sa isang taong palagi ring bumabalik sa lugar na ito! ?…
Was it really hard to hope…to wait…to feel for what they call not seemingly perfect but a right love to keep?
HAPPY VALENTINES DAY!!!
No comments:
Post a Comment